Sa dinami-rami ng mga tao
Sa hinaba-haba ng panahon
At sa nilawak-lawak ng mundo
Nahanap kita
Para bang
pabor sa 'kin ang mundo
Mula nang
ika'y makapiling ko
At sa tagal ng ating pagsasama
Lumalalim pa'ng nadarama
Kaya naman (kaya naman)
Napapabalik-tanaw
Sa dinami-rami ng mga tao
Sa hinaba-haba ng panahon
At sa nilawak-lawak ng mundo
Nahanap kita
Ooh... ooh...
Kung iisipin mo paano nagkatagpo
Ga'no kaliit ang pagkakataong
mangyari 'to
Na ikaw ay aking makasalubong
Makilala't mahalin nang buo
Kaya naman napapabalik-tanaw
Sa dinami-rami ng mga tao
Sa hinaba-haba ng panahon
At sa nilawak-lawak ng mundo
Nahanap kita
Sa dinami-rami ng mga tala
Sa nilalim-lalim ng karagatan
Sa tinagal-tagal ng paglalakbay
Nahanap kita
Oh... oh, oh...
Oh... oh, oh...
Oh... (nahanap kita)
Oh, oh... (nahanap kita)
Oh... (nahanap kita)
Oh, oh...
Sa dinami-rami ng mga tao
Sa hinaba-haba ng panahon
At sa nilawak-lawak ng mundo
Nahanap kita
Sa dinami-rami ng habang buhay
Sa dinami-rami ng hinaharap
Sa dinami-rami ng
pwedeng mangyari
Ikaw lamang ang nag-iisa